Himala ng ng Itim na Nazareno, ibinahagi ng isang deboto

Sa kakatapos lamang na Traslacion 2020, ibinahagi ng isang netizen ang ginawa umanong pagpapagaling ng Itim na Nazareno sa kanyang kapatid na nagkaroon ng sakit sa utak at na diagnosed na mayroong Encephalitis.
Jiliane Florence Cruz at Jirelle Cruz / Imahe mula sa Facebook

Sa Facebook post ni Jiliane Florence Cruz, siya at ang kanyang kapatid ay sampung taon na umanong deboto ng Itim na Nazareno. Sila raw umano ay "nakikigitgit, nakikisiksik, nakikisampa makahaplos lang sa imahen ng Poon."

Ngunit noong 2018 ay mag-isa lamang si Jiliane na pumunta sa pista ng Nazareno dahil nagkaroon umano ang kanyang kapatid na si Jirelle ng “brain inflammation at na diagnosed na mayroong Encephalitis.”



Hindi biro ang magkasakit sa utak, nawawala sya sa kanyang sarili at dumating sa puntong dahil sa kakaibang kondisyon nya, hindi ko na kilala ang kapatid ko. Sabi ng doktor, 50/50 ang chances na makabalik sya sa normal na pag-iisip, kung makabalik man, hindi ganoon katulad ng dati,” saad ni Jiliane.

Noong taon na iyon ay taimtim umanong nagdasal at napaiyak si Jiliane sa Itim na Nazareno. 

"Mahal na Poong Nazareno, pagalingin mo ang kapatid ko, pangako ibabalik ko sya sa'yo".

Makalipas ang dalawang taon ay kasama na muli ni Jiliane ang kapatid na si Jirelle na pumunta sa Traslacion. Normal at malakas na malakas na raw ang kanyang kapatid.

Narito ang buong post ni Jiliane:

“Mahigit 10 taon na akong deboto ng Nazareno. At sa lahat ng taong ito, kasama ko ang kapatid kong si Jirelle. Isa kami sa mga nakikigitgit, nakikisiksik, nakikisampa makahaplos lang sa imahen ng Poon. Ganito kami taon-taon, ganito din ang iba pang milyong milyong debotong Pilipino tuwing ika-siyam ng Enero. Pero ako lang mag-isa ang pumunta noon sa pista ng taong 2018, hindi ko kasama si Jirelle. Nagkaroon sya ng brain inflammation at na diagnosed na mayroong Encephalitis. Hindi biro ang magkasakit sa utak, nawawala sya sa kanyang sarili at dumating sa puntong dahil sa kakaibang kondisyon nya, hindi ko na kilala ang kapatid ko. Sabi ng doktor, 50/50 ang chances na makabalik sya sa normal na pag-iisip, kung makabalik man, hindi ganoon katulad ng dati. Naniniwala ako sa doktor, pero mas naniniwala ako sa kayang gawin ng Diyos. Pista noon ng Nazareno, taong 2018. Ipinuprusisyon ang imahen kasabay ng dagat ng mga taong nagsasalyahan maka-akyat lang sa andas. 


Hindi ako nakasampa noon, nakatanaw lang ako sa malayo, sinusundan ko lang sya ng tingin, umiiyak at nagdadasal ng taimtim. Ngayon naiintindihan ko na ang mga kasabay kong tahimik na umiiyak kapag dumadaan sa harapan nila ang Nazareno, alam ko katulad ko, nakikipagusap din sila sa Diyos at alam kong pinapakinggan nya ang puso ng bawat isa sa amin. Noong mga oras na iyon, may kung anong koneksyon kaming dalawa at sabi ko sa kanya, "Mahal na Poong Nazareno, pagalingin mo ang kapatid ko, pangako ibabalik ko sya sa'yo".
 Jiliane Florence Cruz at Jirelle Cruz / Imahe mula sa Facebook
Jiliane Florence Cruz at Jirelle Cruz / Imahe mula sa Facebook

Makalipas ang dalawang taon, nandito kami ulit ni Jirelle. Kasama ko ang isang normal at malakas na malakas na Jirelle. Noong una hindi ko maunawaan kung bakit pabalik-balik ang milyong-milyong deboto dito taon-taon, pero siguro dahil sa tatlong bagay: may humihiling, may dumadaing at may nagpapasalamat. Ngayon, bumabalik kami ng kapatid ko upang magpasalamat. Bumabalik kami bitbit ang patunay sa katapatan at pag-ibig ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Hindi kami magsasawang magpuri sa Diyos:

VIVA NAZARENO! šŸ™Œ
VIVA NAZARENO!☝️
VIVA NAZARENO!šŸ™

#Traslacion2020 šŸ»šŸ¾


***
Himala ng ng Itim na Nazareno, ibinahagi ng isang deboto Himala ng ng Itim na Nazareno, ibinahagi ng isang deboto Reviewed by Nathan Singson on January 10, 2020 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.