WATCH: Video ng umano'y tensyon sa pagitan ng Barretto sisters inilabas ni Gretchen

Sa kanyang Instagram post, inilabas ni Gretchen Barretto ang video ng umano’y naganap na tensyon sa pagitan nilang magkakapatid (Gretchen, Marjorie, Claudine) sa burol ng kanilang ama sa Heritage Memorial Park, Taguig City.
Gretchen Barretto / Photo from Philippine Star

Makikita sa video ang biglang pagkakaroon ng tensyon sa lamay at maririnig ang mga tao habang sinasabi ang mga salitang “awatin mo” at “konting respeto”.

Maririnig din ang pagbagsak ng mga upuan at mga taong tila nagtatalo.

Hindi naman kita sa video ang mismong pag-aaway ng magkapatid na Gretchen at Marjorie. Pero kita sa video na naroroon pa sa lamay si Pangulong Rodrigo Duterte nang mangyari ang gulo.

May boses din ng isang lalaki na sumisigaw at nagsasabing “Susugurin mo ko? Wala kang respeto?”.

Sa caption ng video, sinabi ni Gretchen na ang video ay ibinahagi lamang sa kaniya ng isa sa mga naroroon sa lamay.

Ayon pa kay Gretchen, handa ang kanilang ina na magsalita patungkol sa kung anong totoong problema ng kanilang pamilya.

(FYI MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK,” ito ang sinabi ni Gretchen sa kanyang Instagram post.

Narito ang nasabing video:




***
WATCH: Video ng umano'y tensyon sa pagitan ng Barretto sisters inilabas ni Gretchen WATCH: Video ng umano'y tensyon sa pagitan ng Barretto sisters inilabas ni Gretchen Reviewed by Nathan Singson on October 18, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.