Kampo ni Robredo kay Marcos: “Move on, you lost, accept it”

Ayon sa kampo ni Vice President Leni Robredo, mag move on na raw si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang resulta ng recount ng Korte Suprema.
Atty. Barry Gutierrez / Photo from Rappler

Ayon sa spokesperson ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, dapat nang mag move on si Marcos dahil malinaw anya na natalo ito sa mga probinsya na siya mismo ang pumili.

It is clear that Marcos lost in the recount of provinces he himself picked…Our position is clear. This is a definite basis to dismiss the protest…I would tell Mr. Marcos the same favorite phrase of his family—move on, you lost, accept it,” ani Gutierrez.

Mula simula, ito na ang aming sinasabi, na ayon sa recount ng tatlong pilot provinces, tumaas lalo ang lamang ni VP Leni kay Marcos, ” ani Gutierrez. 

Tinawag kaming sinungaling, inakusahan kaming nagkakalat ng fake news,” dagdag nito.

Sa Supreme Court recount sa tatlong pilot provinces ay tumaas pa ang lamang ni Robredo kay Marcos.

Binanggit ng abogado ni Robredo na si Atty. Ma. Bernadette Sardillo ang opinyon ni Associate Justice Benjamin Caguioa na nagrekomendang ibasura ang posisyon ni Marcos na siya ang nanalo sa 2016 vice presidential race pero nadaya lamang.

Pinagtibay anya ng resulta ng recount ang posisyon na si Robredo ang nanalo sa mga lalawigan ng Iloilo, Camarines Sur at Negros Oriental.

Clearly, we won in May 2016 and we have proven our victory again in the recount…The Marcos camp should respect the decision of the Filipino people and not confuse the public with misinformation and lies,” pahayag ni Sardillo.


***
Kampo ni Robredo kay Marcos: “Move on, you lost, accept it” Kampo ni Robredo kay Marcos: “Move on, you lost, accept it” Reviewed by Nathan Singson on October 20, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.