Holdaper ng mga truck sa Road 10, Tondo, Maynila, natimbog


Photo from Radyo Pilipinas Uno

Isa sa mga notorious na holdaper ng mga bumibyaheng truck sa Road 10, Tondo, Maynila ang naaresto ng Manila Police District Special Mayor’s Reaction Team o SMART.

Kinilala ang suspek na si Christopher Dumapi 28, miyembro ng Batang City Jail, residente ng Brgy. 118 Sambayanan, Bldg. H, Tondo, Maynila.

Ito ay nakumpiskahan ng panaksak nang madakip ng grupo ni PCpt. Edward Samonte sa Mel Lopez Boulevard sa Tondo.

Ayon kay PMaj. Rosalino Ibay Jr., ang pinuno ng SMART, ang suspek ay isa sa mga holdaper habang pinagnanakawan ang isang trak na nai-post sa social media ng isang netizen.

Patuloy ang follow up operation ng Mayor’s team upang mahuli ang iba pang kasamahan ni Dumapi.




***
Holdaper ng mga truck sa Road 10, Tondo, Maynila, natimbog Holdaper ng mga truck sa Road 10, Tondo, Maynila, natimbog Reviewed by Nathan Singson on October 07, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.