Fliptop rapper na si Andy G arestado dahil sa shabu

Andy G / Photo credit to the owner

Arestado sa Pasay City ang Fliptop rapper na si Andy G matapos mahulihan ng shabu.

Ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Unang Balita, nahulihan si Andy G o Andy Jamolin sa totoong buhay ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Ikinasa ng pulisya ang operasyon sa Malibay matapos daw makatanggap ng tip mula sa isang concerned citizen tungkol sa "illegal drug activities" sa lugar.


Arestado rin ang pinagkuhanan umano ng item ni Andy G na si Joseph de Vera. Dalawang sachet ng umano'y shabu ang nakuha naman sa kanya.

Tumangging magbigay ng pahayag si Andy G, na nahaharap sa reklamong possesion of illegal drugs. 


***
Source: GMA Network
Fliptop rapper na si Andy G arestado dahil sa shabu Fliptop rapper na si Andy G arestado dahil sa shabu Reviewed by Nathan Singson on October 17, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.