Fliptop Battle League nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ng rapper na si LilJohn

Nagpaabot ng pakikiramay ang FlipTop Battle League sa kanilang official Facebook page sa pamilya ni Jon Ross Delos Santos o mas kilala bilang ang FlipTop rapper na si LilJohn matapos pagbabarilin noong Linggo ng hapon.
LilJohn / Photo from FBL

Ayon kay Police Lt.Col. Junar Alamo, hepe ng Imus City Police, nakaupo ang biktima sa motorsiklo nito sa tapat ng tindahan ng pagkain sa main road ng Legian 2B subdivision nang barilin sa ulo.

Itinakbo pa siya sa ospital ng Imus pero idineklarang dead on arrival.

Ayon naman sa pulis, 2 basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan ng krimen.

Taga Tambo, Parañaque ang biktima na kilala sa pakikilahok sa mga FlipTop rap battle.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaril.

“Sa kabila ng ginagawa namin sa entablado, at sa kabila ng kahit anong di mapagsangayunan ng mga kasapi nito, may special unspoken bond talaga lahat ng emcees at hiphop, lalo't mula sa indibidwal at kolektibong pinagdaanan at pinaghirapan para sa kultura natin, para sa naging kung ano siya ngayon.

Kaya sobrang bigat, sobrang lungkot... Mula sa buong FlipTop, lahat ng nakasama mo sa hiphop, at lahat ng napasaya at nainspira mo sa battle rap...

RIP LILJOHN 😞

at nakikiramay po kaming lahat sa naiwan niyang pamilya't mga kaibigan.

(Hindi na dapat sabihin pero... Maging magalang po lahat ng makakabasa at magcocomment dito).”



***
Fliptop Battle League nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ng rapper na si LilJohn Fliptop Battle League nagpaabot ng pakikiramay sa pagkamatay ng rapper na si LilJohn Reviewed by Nathan Singson on October 21, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.