Renato Reyes hits back Duterte supporters who derided him

Activist leader Renato Reyes Jr., in his post on Facebook, takes revenge as he strikes back at DDS trolls who made fun of him after his stolen photo taken at S&R goes viral. 
Renato Reyes Jr / Photo credit to the owner

Reyes said that he could have shrugged off the online bashing since the photo was blurred, showing only his back, and was apparently taken by a stalker. 

According to him, it was not a big deal because other people's opinions about him is beyond his control.
Renato Reyes Jr / Photo from Facebook

Imperialism, which was the main issue being brought up, and him being a hypocrite were taken out of context.

Reyes pointed out that these people who are trying to put him down are narrow-minded, shallow, and are exaggerated in bringing up nonsensical stories to shift public attention away from important national issues.  

He also said that these trolls are fond of twisting stories that are baseless and out of context.

Reyes alleged that trolls are the kind of people who wants the public to be easily deceived and hates those who are critical with the nation's situation.

In addition, he mentioned in his post that only DDS trolls who argue based on facts and research  are very much welcome -- not those who attack with false reasoning and stupid rebuttals. 

In his full post, he said: 

"Naku mga ka-DDS, kalma lang. Napag-utusan lang akong bumili sa SALE, nagwala na agad kayo. Chill lang. Electric fan lang yun na “Buy 1, Take 1”, anu ba?! Para sa opisina, kasi summer na. Kung maka-react naman kayo, wagas.  =)

Tsaka yung picture, bakit parang takot na takot yung kumuha? Bakit stolen shot, nakatalikod?! Parang stalker! Next time, pwede naman po lumapit para mas klaro ang picture. Ok lang magpa-selfie, kahit DDS.

Minsan talaga, sobrang kitid nung pinipilit niyo na argumento para lang makabanat. Simplistiko masyado. Uminom lang ng Coke yung aktibista eh nagkakagulo na kayo! “Ipokrito blah blah blah! Kala ko ba anti US ka?!”

Grabe naman kayo. Ipokrito agad? Di ba pwedeng nauhaw lang?

Magbigay ka ng pahayag sa wikang Ingles, may magsasabi, “Kala ko ba anti-US ka, bakit ka nagsasalita ng English?”

Ha? Bawal na rin yun?

“Nanood ka ng Star Wars?! Gawa ng Amerikano yun! May I-phone ka?! Ipokrito, gawa ng Amerikano yun!” So on and so forth.

Mga ka-DDS, ang daling mamilosopo pero tila ang hirap umintindi. Lahat dinadaan sa lohika ng troll. (Parang yung “Lahat ng kontra sa Pangulo ay “dilawan” blah blah”, yang ganyang klase ng lohika.)

Ang pagiging anti-imperialist ay di nangangahulugan na lahat ng gawa ng Amerikano, o yung mga Amerikano mismo, ay itinatakwil natin. Ang itinatakwil natin ay ang foreign policy at panghihimasok ng gobyerno ng US. Yung mga maling patakaran nila. Hindi yun “anti-US” o simpleng galit sa Amerikano.

Eh kung susundan natin yang makitid na lohika nyo, eh di ang mga kontra sa ginagawa ng China, dapat i-boycott lahat ng produkto ng China. (Eh halos lahat ng bagay gawa sa China? Paano na yan? Nakahubad na lang?)

Yung mga kontra sa mining, dapat huwag na ding gumamit ng cellphone? (So wala nang kokontra sa mapanirang mining?)

Yung mga Kastila, pinatay si Rizal. Dapat na rin ba nating itakwil ang Kristyanismo na dala ng mga Kastila? Yung mga Hapon, ang daming pinatay na Pilipino nung WW2. Dapat na rin ba nating itakwil ang Naruto at Voltes V? Ang lungkot naman.

At ang labo, di ba?

Anyways, huwag kami ang problemahin nyo mga ka-DDS. May mga mas malalaking isyung dapat pag-usapan. Halimbawa, ang mahal na Pangulong Duterte, MINURA nya ang US noong 2016 at sinabi niyang hihiwalay na siya sa US. Binulgar nya ang mga krimen ng US sa Mindanao. Grabe, ang tindi ng mga pahayag niya.

Pero noong 2017, talagang halos yakapin na niya si Trump. Kinantahan pa nga niya ng love song nung ASEAN. Pinayagan pa niyang sumama ang US sa gera sa Marawi. Tumanggap pa siya ng armas mula sa US. Ibig bang sabihin nun, batay sa lohika ng mga DDS, ay mas malaking ipokrito ang Pangulo dahil kinain nya lahat ng sinabi niya noong 2016? Dahil ba pinuri siya ni Trump, BFF na uli sila ng US?

Mga ka-DDS, maraming dapat problemahin at pag-usapan: yung pinalusot ng DOJ na mga drug lords, yung pagkalas ng Pilipinas sa ICC, yung dagdag buwis ng TRAIN, yung dagdag singil ng Meralco. Yun ang dapat natin pagkaabalahan. Hindi yung maging stalker. 

O sya, antayin ko na lang ang susunod na mga post nyo ha. Meanwhile, here's a throwback picture."




***
Renato Reyes hits back Duterte supporters who derided him Renato Reyes hits back Duterte supporters who derided him Reviewed by Nathan Singson on August 10, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.