COA: 27 ghost barangays sa Maynila, tumatanggap ng pondo

Former Manila Mayor Erap Estrada / Photo from Rappler

Nabulgar sa inilabas na 2017 audit report ng Commission on Audit (COA) na may “27 ghost barangays” sa Maynila ang pinopondohan.

27 non-existent barangays distributed with 30 percent RPT shares totaling P108.733 million of which one barangay had released of the said shares amounting to P.366 million for CY 2017,” ayon sa report ng COA.

Nadiskubre ng COA ang malaking anomalya sa nagaganap na ito, matapos pagbasehan ang opisyal na talaan na nasa 896 lang ang kabuuang bilang ng barangay sa buong Maynila, pero umaabot sa 923 ang mga barangay na tumatanggap ng RPT o Real Property Tax shares.

Ayon sa COA, P108.733 million RPT shares ang napunta sa 27 non-existent or ghost barangays sa Maynila kaya’t hindi naipamamahagi ang pondo sa 896 lehitimong barangay.

The release of the quarterly Real Property Tax shares for the 896 barangays of the city for CY 2017 in the amount of P952.225 million was delayed by 56 to 93 days contrary to Section 27 (D) of RA 7160.

Considering the limited resources of the barangays, the delayed/untimely releases of their RPT shares deprived them of the necessary funds to finance their operations,” dagdag ng COA.


***
COA: 27 ghost barangays sa Maynila, tumatanggap ng pondo COA: 27 ghost barangays sa Maynila, tumatanggap ng pondo Reviewed by Nathan Singson on August 03, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.