An open letter of FEU student joined ANAKBAYAN: “Hindi ako brainwashed o nagamit ng aking organisasyon”

In a Facebook post, Far Eastern Univeristy student Alicia Lucena said that she joined the militant youth organization on her own. 
Alicia Lucena  / Photo from her Facebook account

Hindi po ako nawawala o nakidnap. Nagpasya akong umalis ng aming bahay dahil lagpas isang buwan na akong naka house arrest dahil sa kagustuhan kong maglingkod sa bayan,” Alicia Lucena wrote in a Facebook post.

Nandito lang po ako at isang personal na issue ng aming pamilya ang pasya ko na hindi umuwi sa amin,” she added.

On Wednesday, Alicia's mother Relissa Lucena testified before the Senate Committee on Public Order that her 18-year-old senior high school student had gone missing and alleged that she had been kidnapped.



Relissa earlier filed complaints against Anakbayan officials for her daughter’s absence.

Alicia urged her family to stay away from the armed forces of the government, claiming that they are the real terrorist.

She said she is open to reconcile with her parents, but, according to her, not in a situation where the military is using their personal issue.

Read her full post below:

"Dahil sa naganap na hearing kahapon, nagpasya akong maglabas ulit ng pahayag to once again, clarify at para pasinungalingan ang ilang mga ibinibintang sa aking mga kasama at sa aking org. Kung nais niyo ng mas malalim na paliwanag, basahin niyo na lang ang nauna kong post tungkol dito:

1) Muli, HINDI PO AKO NAWAWALA O NAKIDNAP.

Nagpasya akong umalis ng aming bahay dahil lagpas isang buwan na akong naka house arrest dahil sa kagustuhan kong maglingkod sa bayan. That was so traumatic, lalo na it happened at the hands of my parent na inasahan kong pinaka makakaunawa sana ng aking decisions. Nandito lang po ako at isang personal na issue ng aming pamilya ang pasya ko na hindi umuwi sa amin.

2) Hindi rin po ako BRAINWASHED o nagamit lang ng aking organisasyon.

Muli, I joined ANAKBAYAN voluntarily, I was never coerced to do things na hindi ko gusto o gumawa ng bagay na beyond sa aking pagpapasya.

It's really painful and outrageous na inaaccuse ako, kami, nila Bato at ng mga cohorts ni Duterte na "brainwashed". Hindi yan totoo. Sumapi kami ng organisasyon dahil gets namin ang kalagayan ng bayan at ang kawalan ng karapatan ng marami gawa ng kabulukan ng gobyerno. Sumali ako at nagpasyang buong panahong kumilos dahil gusto kong ilaan ang aking oras at panahon para isulong yung makabuluhang pagbabago.

3) Para sa AFP at sa rehimeng Duterte: DON'T YOU DARE USE ME AND MY FAMILY TO COVER UP YOUR INUTILITY AND ROTTEN ADMINISTRATION!

Sinusuko niyo ang kalayaan ng bansa para sa dayuhan. You kill peasants, workers, urban poors left and right! Lubog sa kahirapan ang masang Pilipino habang kumikita ng malaki ang mga kronis ninyong mayayaman.

Instead of presenting me as some sort of "ignorant" sa kalagayan ng bayan, dapat mas kayo ang dapat kastiguhin dahil sa ginagawa ninyo sa bayan. WALANG MALI SA PAGLABAN, MAY MALI KAYA LUMALABAN!

4) Muli, para sa aking pamilya

Please, wag na po kayong sumama diyan sa mga militar. Sila ang tunay na terorista dahil pumapaslang sila ng magsasaka at masa sa kanayunan. Bukas naman akong makipag ayos at mag-usap, but not in this situation na ginagamit ng military ang kalagayan natin to justify the rampant human rights violations and to water down the legitimacy of the youth's initiative to forward the democratic calls of the masses.

Again, ako si Alicia, kabataang mulat sa kalagayan ng lipunan!

#HandsOffOurFamilies!
#AFPBackOff!


***
An open letter of FEU student joined ANAKBAYAN: “Hindi ako brainwashed o nagamit ng aking organisasyon” An open letter of FEU student joined ANAKBAYAN: “Hindi ako brainwashed o nagamit ng aking organisasyon” Reviewed by Nathan Singson on August 08, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.