Trillanes tinawag na credit grabber si Duterte

Sa isang Facebook post, tinawag ni Senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na credit grabber. 
Senator Antonio Trillanes IV and President Rodrigo Duterte / Photo from ABS-CBN News

Ayon kay Trillanes, puro kasinungalinan lamang daw ang mga natupad na campaign promises ng Pangulong Duterte.

During the past few months, Duterte has been spreading new lies about his ‘fulfilled’ campaign promises. Now, before these lies take root again (just like his ridiculous lie that he made Davao City the 4th SAFEST city in the WORLD), allow me to set the record straight,” sabi ni Trillanes.



Ayon kay Trillanes, ang free education bill ay “primary advocacy” ni Sen. Bam Aquino.

Ang Universal Healthcare Law naman raw ay “primary advocacy” nina Sen. JV Ejercito and Sen. Risa Hontiveros.

Dagdag pa ni Trillanes, ang Free Irrigation Law naman ay isinulong nina Sen. Cynthia Villar at Sen. Ping Lacson .

Wala raw ibang ginawa di Duterte kundi pirmahan lamang ang mga batas na ito.

Duterte has nothing to do with the passage of these laws except to sign the enrolled bills,” sabi ni Trillanes.

Bago ka mag-grab ng credit, Mr. Duterte, tutukan mo muna ang mga tunay na pinangako mo nung 2016 na kampanya na tatanggalin mo ang crime, corruption at illegal drugs in 3 to 6 months kundi magreresign ka,” dagdag nito.





***
Trillanes tinawag na credit grabber si Duterte Trillanes tinawag na credit grabber si Duterte Reviewed by Nathan Singson on June 03, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.