Sharon Cuneta on Eddie Garcia: “He should not have died yet."

Eddie Garcia and Sharon Cuneta / Composite photos from PEP and Rappler

Hind pa sana nawala ang beteranong aktor na si Eddie Garcia ayon kay Megastar Sharon Cuneta.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Sharon na hindi sana namatay si Tito Eddie kung hindi ito napabayaan noong mangyari ang aksidente.



He should not have died yet. Had there been no neglect of safety for the actors, he would have lived to more than 100…!!!

Sa isa pang Instragram post ni Sharon, pinasalamatan nito ang beteranong aktor.

Read: Coco Martin's emotional message to Eddie Garcia

Kokonti na lang ang mga artistang “old school” na napakalaki ng kontribusyon sa industriya at sa puso ng bawat Pilipino, at marunong trumato ng katrabaho ng tama, sikat man o “maliliit” ang tingin sa trabaho nila pero malaki naman talaga ang naibibigay sa ating mga artista,” ani Sharon.

Maraming salamat po, Mr. Eddie Garcia. Walang sinuman sa showbiz ngayon o kahit sa mga ipanganganak pa ang puedeng umupo sa tronong iniwan ninyo,” dagdag nito.



***
Sharon Cuneta on Eddie Garcia: “He should not have died yet." Sharon Cuneta on Eddie Garcia: “He should not have died yet." Reviewed by Nathan Singson on June 21, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.