Panelo: Robredo hindi mananalo kay Sara sa pagka-pangulo

Kung sakaling magpasyang kumandidato sa pagkapangulo si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa 2022, mahihirapan umano ang mga makakalaban nito.
Davao City Mayor Sara Duterte and VP Leni Robredo / Photo from UNTV

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos magpahiwatig ni Bise Presidente Leni Robredo na tatakbo ito sa pagkapangulo sa 2022.

Walang mananalo sa kanya, siya ang pinaka-popular ngayon na mayor. If we talk of possibilities, gaya ng sinasabi ko we have limitless possibilities, we will never know what will happen in three years. maraming mangyayari,” ani Panelo.



Samantala, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang tumakbo ang kanyang anak na pagka-pangulo. Ayon naman kay Panelo, gusto ng mga tao si Sara dahil nakikita ng mga tao sa kanya ang talino at political will ng isang lider.

Binigyan aniya ni Mayor Sara ang sarili hanggang sa susunod na taon para magdesisyon kung tatakbo o hindi sa 2022.

Sabi niya she gave herself a deadline next year. Depende siguro ‘yon. The father does not want pero people want her to run, she might rise to the challenge, she has the intellect and political will. If she runs now, overwhelmingly. She doesnt need convincing, people will make her run,” dagdag pa ni Panelo.


***
Source: Abante
Panelo: Robredo hindi mananalo kay Sara sa pagka-pangulo Panelo: Robredo hindi mananalo kay Sara sa pagka-pangulo Reviewed by Nathan Singson on June 28, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.