Neighbour came to defend Capt. Insigne and wife against bashers

While social media is flooded with negative comments towards Captain Jonel Insigne and his wife, one netizen came into their defense.
Wrecked fishing vessel; Jonel Insigne and his wife / Photo credit to Michelle V. Mores

Michelle V. Mores called out those people saying the family of Capt. Insigne was paid and all that happened in the Recto (Reed) Bank were staged.

In her Facebook post, Mores said she personally knows the family of Capt. Jonel because they were neighbours and she could not resist all the bashing and negative comments being thrown at them.



Bilang kakilala at kalugar nila hindi ko maiwasang masaktan at magalit sa mga nababasa kong masasakit na salita na ibinabato sa kanilang pamilya,” she said.

According to Mores, if it’s true that they received money, why would Mrs. Insigne even borrowed money so that she can sell barbecue.

Read: Padilla on sinking of PH fishing boat: "Wag nalang ho natin palakihin"

Mangiyak-ngiyak si Ate Lanie nang sabihin sa akin kanina na “Chelle, wala kaming kapera-pera ngayon” at nangutang pa daw siya ng halagang 2K para may maipuhunan sa kanilang ititindang barbecue,” she said.

Read her full post below:

"Hindi ko napanood ang inaabangan kong Kadenang Ginto dahil may ginawa akong mahalagang misyon kanina. Pumunta ako sa bahay ng Kapitan ng FB Gem-Ver1 at ipinagpaalam ko sa mag-asawang Kuya Dok at Ate Lanie Insigne na kung pwede ko silang picturan at ipopost ko sa aking FB wall. Pumayag sila dahil kilala naman nila ako at alam nilang gusto ko rin silang matulungan na maiparating sa ibang tao lalo na sa mga bashers na hindi totoong binayaran sila gaya ng kumakalat sa FB.



Kasalukuyang abala sina Ate Lanie at ang 2 dalaga niyang anak na dalaga kanina sa paghahanda ng ititindang barbecue at iba pang pagkaing iniihaw, habang si Kuya Dok ay kakauwi lang galing sa bahay ng amo nila.

Bilang kakilala at kalugar nila hindi ko maiwasang masaktan at magalit sa mga nababasa kong masasakit na salita na ibinabato sa kanilang pamilya. Ilang beses na rin akong sumagot sa mga comments ng ilang netizens na halatang mga wala yata sa matitinong pag-iisip at ang lakas ng loob mambastos. Malakas ang loob mambastos dahil nagtatago sa mga pekeng FB accounts nila.

Mangiyak-ngiyak si Ate Lanie nang sabihin sa akin kanina na “Chelle, wala kaming kapera-pera ngayon” at nangutang pa daw siya ng halagang 2K para may maipuhunan sa kanilang ititindang barbecue.

Kung talagang bayaran daw sila gaya nang sinasabing paninira ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang idown ang kapwa na lugmok na, dapat daw ay marami silang pera ngayon.

“Matagal nyo na kaming kilala Chelle at alam nyo kung ano ang kabuhayan namin”. Sa mga hindi po nakakaalam, ang pamilya ni Ate Lanie ay nagtitinda ng lutong ulam dito sa lugar namin at sa pagsapit ng hapon hanggang gabi ay nagtitinda naman ng barbecue.



Kaya mapapaisip ka rin talaga, sa panahong ito na kanya-kanyang siraan, tirahan at batuhan ng mga kasiraan at kabulukan ang “ilang mga nakaupo sa gobyerno”, sasagi at sasagi sa isipan mo: ito ba ang Pilipinas na ipapamana natin sa mga susunod na henerasyon?"


***
Neighbour came to defend Capt. Insigne and wife against bashers Neighbour came to defend Capt. Insigne and wife against bashers Reviewed by Nathan Singson on June 19, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.