Mga mangingisdang binangga ng Chinese vessel masama ang loob sa Pangulo

Dismayado ang mga mangingisdang sakay ng bangkang binangga ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “little maritime accident” lamang ang nangyari.

Masama raw ang loob ng mga mangingisda na marinig ang ganung pahayag ng Pangulo na matagal nilang inabangan.

"Nalulungkot po ako dun sa sinabi ng Pangulo, parang balewala lang yung pagbangga sa amin. Paano po kung namatay kaming lahat? Parang nagtatampo ako, masama ang loob ko," sabi ng kapitan ng bangka na si Jonel Insigne.

"Medyo masakit katulad niyan mamaya pupunta ulit ako dun sa pinangyarihan... may takot. Malaki ang takot [ko] na baka maulit," dagdag ng isang mangingisda.

Ayon sa isa pang mangingisda, madali lang sabihin ng Pangulo na “little maritime accident” lamang ang nangyari sa kanila dahil hindi naman siya ang nasa kalagayan nila.

"Malaking [kwan] na yon sa amin, kasi maraming buhay kung sakaling nalubog kami. Kasi hindi siya ang nasa katayuan namin eh."

"Masama talaga loob ko kasi sabi niya konting diperensiya lang daw, konting aksidente. Paano niya nasabi iyon na konting aksidente lang eh nandoon kami sa laot," dagdag ng isa pang mangingisda.


***
Mga mangingisdang binangga ng Chinese vessel masama ang loob sa Pangulo Mga mangingisdang binangga ng Chinese vessel masama ang loob sa Pangulo Reviewed by Nathan Singson on June 18, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.