Lacson ipinagtanggol ang pananahimik ni Duterte sa Recto Bank incident

Ipinagtanggol ni Senator Panfilo “Ping” Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa pananahimik nito sa kontrobersyal na insidenteng nangyari sa Recto Bank sa pagitan ng Chinese at Filipino fishing vessels.
Senator Ping Lacson / Photo from Ping Lacson

Ayon kay Lacson, nagiging maingat lamang ang Pangulo kaya hindi pa ito naglalabas ng pahayag dahil baka makaapekto ito sa relasyon ng China at Pilipinas.

"If I know PRRD, he values friendship. Pero ako I'm sure he loves his country more... Kasi ito sensitive issue ito as far as the Philippine leadership or the presidency is concerned,” sabi ni Lacson.

"Sensitibo because sabi ko nga nakikipagkaibigan tayo sa China nang buong sinseridad," dagdag nito.



"Hindi siya agad magsasalita diyan unlike statement niya sa Canada dahil may kabastusan na binanggit ang Prime Minister ng Canada against him at the time. So yun medyo bara-bara. Pero ito para sa kanya sensitive ito kasi nagpapakita siya ng pakikipagkaibigan na sincere," ani Lacson.

"I’m not being an apologist to PRRD pero yan ang nakikita kong dahilan kung bakit hindi siya nagsasalita. Dahil kumakalap siya ng kumpletong information tungkol dito," dagdag nito.

Samantala, hindi naniniwala si Lacson sa naging pahayag at eksplenasyon ng China patungkol sa nasabing insidente.

"Sabi ko nga ang story nila it doesn't make sense parang nakakainsulto sa intelligence ng mga Pilipino ang kanilang pinapalabas na explanation," ani Lacson.

"So dapat gumawa muna sila ng maayos na script kung sila man ay walang plano na ilahad ang buong katotohanan. Gumawa sila ng script na kapanipaniwala, hindi yung parang nangiinsulto sila na tayong mga Pilipino ay bobo," dagdag nito.


***
Lacson ipinagtanggol ang pananahimik ni Duterte sa Recto Bank incident Lacson ipinagtanggol ang pananahimik ni Duterte sa Recto Bank incident Reviewed by Nathan Singson on June 16, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.