Judy Ann Santos sa pagpanaw ni Eddie Garcia: "sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks"

Judy Ann Santos and Eddie Garcia / Composite photos from Facebook and Manila Bulletin

Lubos ang pagluluksa ng bayan lalo na ang mundo ng showbiz dahil sa pagpanaw ng beteranong na si Eddie Garcia, 90.

Isa sa nakikiramay ay si Judy Ann Santos na ibinahagi ang kanyang mensahe sa social media.



Binawian ng buhay kahapon si Tito Eddie, June 20, matapos siyang ma-coma dahil sa aksidente sa isang shooting ng teleserye.


Ayon kay Judy Ann, nanghihinayang ito dahil hindi man lang daw niya nakatrabaho ang beteranong aktor.

"Nakakalungkot... nakakahinayang na hindi ko nagawang makatrabaho ang isang napaka professional at batikang artista..pero naggawa kong makamayan at makausap ng maraming beses..maraming salamat tito eddie.. mananatili kang nag iisa sa industriyang ito .."

Sinabi din ni Judy Ann na sana ay kapulutan ng aral ang nangyaring aksidente kay Tito Eddie.

"sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks sa tamang pag aalaga, pagbigay ng sapat na kaalaman sa lahat ng taga production artista man o hindi, pagdating sa mga ganitong sitwasyon..maaring naiwasan sana. paalam sir eddie garcia.. hanggang sa huli ibinukas mo ang mata ng industriya.. kung paanong dapat pahalagahan at wag balewalain ang kaligtasan ng bawat taong nagtatrabaho sa produksyon.. mapayapang paglalakbay sir eddie.. πŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ™πŸΌπŸ’”πŸ’”



A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday) on



***
Judy Ann Santos sa pagpanaw ni Eddie Garcia: "sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks" Judy Ann Santos sa pagpanaw ni Eddie Garcia: "sana sa nangyaring to, maging bukas ang isip ng mga networks" Reviewed by Nathan Singson on June 21, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.