Ellen Tordesillas inaming nakinabang din sa pork barrel

Inamin ni Ellen Tordesillas na nakinabang din siya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), pero ito ay noong meron siyang cancer.
Ellen Tordesillas / Photo from CNN Philippines

Inilabas ni Tordesillas ang kanyang pahayag pagkatapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na meron siyang cancer at tumatanggap umano ito ng pera para sa kanyang treatment.

Wala na akong kanser. Matagal na akong gumaling sa sakit na kanser. Taong 2003 pa,” sabi nito.



Ayon kay Tordesillas, nakatanggap umano siya ng pera sa dalawang politiko para sa kanyang treatment ngunit ibinigay nito ang pera sa Philippine General Hospital’s Medical Foundation.

May dalawang senador na kahit hindi ako humingi, sumulat sa Philippine General Hospital, kung saan ako nagpapagamot, at nagsabi i-credit sa kanilang Priority Development Assistance Fund ang aking bill sa kuarto. Walang cash na binigay sa akin,” sabi ni Tordesillas.

Dagdag pa nito, isa sa mga tumulong sa kanya ay ang yumaong publisher ng Malaya Business na si Jake Macasaet.



Sa televised interview kay Pangulong Duterte sa Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City, hiningi ng pangulo na ipagdasal si Tordesillas.

Pray for her recovery. Sige kasi lang ‘yan hingi. Tapos walang recovery,” sabi ni Duterte.

“‘Yan si [Tordesillas?], Hesus, sige lang hingi kay may cancer siya. Hanggang ngayon buhay pa. Lord, ano ba ang desisyon mo diyan?” dagdag nito.


***
Source: Politiko
Ellen Tordesillas inaming nakinabang din sa pork barrel Ellen Tordesillas inaming nakinabang din sa pork barrel Reviewed by Nathan Singson on June 09, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.