DSWD Sec Bautista nagbigay ng dalawang kondisyon bago tanggapin ang apology ni Erwin Tulfo

Sa isang statement, tatanggapin umano ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ang paumanhin ng beteranong broadcaster na si Erwin Tulfo sa dalawang kondisyon.
Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista / Photo from Philippine Star

Ang unang kondisyon ni Bautista ay dapat nakapublish sa mga major newspapers ang apoloogy ni Tulfo at ma-broadcast din ito sa mga radio stations.

“Tinatanggap ko ang paghingi ng paumanhin ni Ginoong Erwin T. Tulfo alinsunod sa mga nakatakda na kailangan niyang gampanan sa lalong madaling panahon upang mapatunayan ang kanyang katapatan:



“Hihingi ng paumanhin si Ginoong Erwin T. Tulfo na ipapalabas niya sa mga pangunahing dyaryo sa sukat na hindi liliit sa kalahating pahina na kaniyang babayaran. Ipapalabas din niya itong paghingi ng paumanhin sa social media platforms katulad ng: Facebook, Twitter, Instagram at Youtube at sa mga estasyon ng radio katulad ng: DZBB, DZMM, Radio Singko News FM 92.3, DZRH at DZRB.”

Ang pangalawang kondisyon naman ni Bautista ay kailangang mag-donate ni Tulfo ng hindi bababa sa P300,000 sa 19 na organisasyon.

“Magbibigay siya ng donasyon sa halagang hindi bababa sa tatlong daang libong piso (Php 300,000.00) sa lahat ng mga sumusunod sa halip ng pambayad ng danyos o bayad-pinsala sa pagkawasak ng aking pagkatao, reputasyon at pati na rin ng mga institusyon na aking kinatawanan o naging kaanib.”

Narito ang listahan ng mga organisasyong nabanggit ni Bautista.

Philippine Military Academy; Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated; Association of Generals and Flag Officers; First Scout Ranger Regiment, PA; Special Forces Regiment (Airborne), PA; Light Reaction Regiment, PA; Philippine National Police Special Action Force; Philippine Naval Special Operations Group, PN; Philippine Marines Special Operations Group, PN; Philippine National Police Maritime Group; Trust Fund for the City of Marawi’s Internally Displaced Persons to be administered by DSWD BARM; Philippine Veterans Hospital; AFP Victoriano Luna Medical Center; Philippine National Police Camp Crame General Hospital; Philippine Army General Hospital; Philippine Navy General Hospital; Philippine Air Force General Hospital; Philippine Coastguard General Hospital; and An Educational Trust Fund for the deserving children of DSWD employees to be deposited at the Landbank.

Pinasalamatan naman ni Bautista ang mga nakisimpatya at sumuporta sa kanya.

“Ang inyong tiwala, paniniwala at pagbibigay-galang sa akin at higit sa lahat sa Akademiyang Militar ng Pilipinas, Hukbong Katihan ng Pilipinas at Kagawarang ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan na aking pinagdaanan at pinaglingkuran ay siyang nag obliga sa aking magpasya ng ganito kasama ng mungkahi ng mga nakakatanda at aking mga kaibigan upang mabigyan ng karapat-dapat na pagbibigay galang at karangalan ang bawa’t isa po sa inyo na tumulong sa iyong abang lingkod,” sabi ni Bautista.

“Sa mga di ko nakilalang mga tao na naglaan ng panahon para suportahan ako; mga kasamahan ko sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas (AFP), Joint Task Force Marawi, Philippine Military Academy, Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated; iba’t-ibang mga Stakeholders at mga Non-Government Organizations; mga kapwa empleyado ng gobyerno, kaibigan at kamag-anak, ako ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagmamalasakit, tulong, dasal, gabay at pag-alalay na ipinagkaloob ninyong lahat sa akin. Tatanawin ko po itong isang pagkakautangan ng loob sa inyong lahat. Ipapanalangin ko po na pagpalain kayong lahat ng Diyos at ni Allah.”


***
Source: Politiko
DSWD Sec Bautista nagbigay ng dalawang kondisyon bago tanggapin ang apology ni Erwin Tulfo DSWD Sec Bautista nagbigay ng dalawang kondisyon bago tanggapin ang apology ni Erwin Tulfo Reviewed by Nathan Singson on June 07, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.