Doktor: Hindi inatake sa puso at hindi na stroke si Eddie Garcia

Ayon sa pahayag ni Dr. Enrique Lagman, tiyuhin ng partner ni Eddie Garcia na si Lilibeth Romero, wala umanong heart attack o stroke ang nangyari sa beteranong aktor.
Eddie Garcia / Photo credit to the owner

Walang heart attack, walang stroke because the CT scan of the brain is normal, the heart attack test was normal,” saad ni Lagman ayon sa report ng Rappler.

Sa opisyal na pahayag ng GMA, sinabing nakaranas umano ang aktor ng matinding atake sa puso habang nasa taping.

Binanggit ni Lagman ang video na kumakalat ngayon sa social media kung saan ay makikita ang pagkakataon kung saan ay nagcollapsed si Garcia sa set.

Makikita sa naturang video na kuha ni Mhervin Maco na tila natisod sa isang wire si Garcia na siyang ikinabagsak nito. Nang hindi siya agad nakatayo ay agad na sumugod ang mga tao upang siya ay saklolohan.

Ayon sa mga netizen na nakapanood ng video, marahil napasama ang pagbagsak ni Garcia dahil sa edad nitong 90 ay delikado na ang ano mang pagkadapa.

Kasalukuyan paring nasa ospital ngayon si Garcia at sumasailalim sa kritikal na obserbasyon.


***
Source: Abante

Doktor: Hindi inatake sa puso at hindi na stroke si Eddie Garcia Doktor: Hindi inatake sa puso at hindi na stroke si Eddie Garcia Reviewed by Nathan Singson on June 09, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.