Coco Martin's emotional message to Eddie Garcia

Sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia, madaming artista ang nagluluksa at nakikiramay. Isa na rito ang bida ng teleseryeng “Ang Probinsyano” na si Coco Martin.
Mr. Eddie Garcia and Coco Martin / Photo from Bandera

Nagkasama ang dalawa sa “Ang Probinsyano” kaya sobrang nalulungkot si Coco sa pagkawala ni Tito Eddie. 

Idinaan ni Coco ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng social media.

Basahin ang kanyang Instagram post sa ibaba:

“Diko mapaliwanag ang lungkot at sakit nanararamdaman namin ngayon. iniisip ko nalang po na ang Diyos ang may kagustuhan ng lahat ng nangyayari para sa atin.

Maraming salamat sayo Lo sa lahat ng ating mga kwentuhan at tawanan at sa ating mga masasayang mga oras na magkasama. malayo man ang edad natin pero tinanggap mo ako bilang kaibigan mo. 

Hanggang sa muling pagkikita natin Lo mabuhay ka at alam ko nandito kalang sinusubaybayan mo kami. hindi namin kakalimutan ang lahat ng mga pangaral mo para sa amin isakang huwaran ng mabuting tao at mahusay na artista at direktor Mahal na mahal ka namin Lo!!! R.I.P”





***
Coco Martin's emotional message to Eddie Garcia Coco Martin's emotional message to Eddie Garcia Reviewed by Nathan Singson on June 21, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.