Ballot box na may laman pang balota, natagpuan

Nitong huwebes, isang residente ang nakakita sa isang ballot box na may laman pang mga balota sa isang latian malapit sa munisipyo ng Datu Salibo sa Manguindanao.
Natagpuang ballot box / Photo from ABS-CBN News

Ayon kay Moadz Mindao, mangingisda lamang umano dapat siya sa isang latian sa gilid ng Barangay Sambulawan nang makita niya ang lumulutang na ballot box.

"Nakita ko ang itim nagulat ako sunod ang katawan puti. Ang sabi ko baka buwaya tapos nakita ko ang nakasulat Commission on Elections, Republic of the Philippines," aniya.


Ayon sa article ng ABS-CBN, ang nasabing ballot box ay nagamit ngayong taon lamang.

Hindi naman umano nakaapekto sa naging resulta ng halalan ang pagkakatagpo sa ballot box ayon sa election officer ng  Datu Salibo.

Mayroong 9,504 registered voters sa bayan ng Datu Salibo. Sa bilang na ito, halos 5,000 voters ang bumoto noong Mayo 13.

Naiproklamang bagong halal na alkalde si Solaiman Sandigan na nakakuha ng 2,729 na boto, habang 1,427 na boto naman ang nakuha ni outgoing mayor Norodin Salasal.

Mayroong 1,778 na rehistradong botante sa Barangay Sambulawan kung saan nakuha ang ballot box.

Agad ding ipinagbigay alam sa mga opisyal ang natagpuang ballot box.


***
Source: ABS-CBN News
Ballot box na may laman pang balota, natagpuan Ballot box na may laman pang balota, natagpuan Reviewed by Nathan Singson on June 17, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.