Trillanes: Hindi na makatulog si Duterte dahil kay Bikoy

Sa isang panayam kay Senator Antonio Trillanes IV sa DWIZ, sinabi nito na base sa kanyang nakikita, matinding nerbiyos na raw ang inaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga alegasyon ni “Bikoy.”
Senator Antonio Trillanes IV / Photo from Manila Bulletin

Dagdag pa ni Trillanes, posible umanong nahihirapan na ring matulog si Pangulong Duterte dahil baka may katotohanan ang mga sinasabi ni Bikoy.

Kung totoo ‘yung Bikoy allegations, matinding nerbiyos na ang inaabot ni Duterte. Believe me, baka ‘di na makatulog nang maayos ‘yan,” sabi ni Trillanes.

Based on what I am seeing, yung reaction nila Duterte parang kaduda-duda. Lalo akong nacu-curious baka may katotohanan ang sinasabi kasi kung nerbyosin sila,” dagdag pa niya.
Ito ang naging reaksiyon ni Trillanes matapos madakip ng National Bureau of Investigation (NBI) si Rodel Jayme, ang lumikha ng metrobalita.net kung saan nashare ang video ni Bikoy na “Ang Totoong Narco List.”

“Ang Totoong Narco List” video ang nag-dawit kina presidential son Paolo Duterte, dating SAP Bong Go at presidential daughter Kitty sa illegal drug trade.

Samantala, kumalat naman ang larawan ng Pangulo na makikitang nagre-relax sa loob ng kanyang kwarto sa Davao City habang nanood sa Netflix  ng pelikulang "Django Unchained”.


***
Source: Abante
Trillanes: Hindi na makatulog si Duterte dahil kay Bikoy Trillanes: Hindi na makatulog si Duterte dahil kay Bikoy Reviewed by Nathan Singson on May 04, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.