Rodel Jayme: "Nilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako"

Pakiramdam ni Rodel Jayme ay trinaydor siya ng kanyang mga “clients” na nag-upload ng video na “Ang Totoong Narco List.”
Photo from GMA Network

Ayon sa report ng “24 Oras”, handa raw umanong makipagtulungan si Rodel sa otoridad upang mahuli ang mga taong nasa likod ng nasabing video.

"Nilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako. In-upload nila 'yung video na hindi man lang sinabi sa akin, alam nilang andyan ang pangalan ko dahil siyempre ang alam ko lang ay malinis ang intensyon ng pagpapagawa," sabi ni Rodel.



"Binigyan ko po ng access doon sa nagpagawa. Then April 2, no idea po ako, nasa church po ako, biglang na-upload 'yung video ni Bikoy," dagdag niya.

Sinabi ni Rodel na ang kaibigan niyang nakilala noong 2015 ang nagkumbinsi sa kanya upang gawin ang website noong March 31, 2019 kapalit ng pera.

"Nag-chat lang sa akin kung pwedeng makipagkita then nung nagkita kami sa Las Piñas, doon sinabi na kailangang gumawa ng website na gagamitin for posting sa campaign," sabi ni Rodel.

"Kandidato ng Otso Diretso ang ipo-post po doon sa website, 'yun ang original plan," dagdag nito.

Sinabihan rin daw si Rodel ng kanyang client na magtago noong nag-viral na ang video.

"Ang plano na sinasabi sa amin ay magtago daw po ng within one month dahil ang lumalabas ngayon lang mainit 'yan hanggang eleksyon. Dahil parang lalabas si Bikoy bago mag-eleksyon," sabi ni Rodel.

Makikipagtulungan raw umano si Rodel para mahanap ang mga taong nasa likod ni “Bikoy.”

"Andun po lahat sa conversation namin sa FB, isa sa bilin ay mag-delete ng conversation, pero hindi ko po gawain na mag-delete ng conversation, alam kong pwedeng ebidensya 'yun kung may mangyari," sabi ni Rodel.

Samantala, sinabi ni Liberal Party President and Otso Diretso campaign manager Senator Kiko Pangilinan na walang kinalaman ang LP sa kontrobersyal na video.

"Hindi involved ang LP sa anumang bagay tungkol sa Bikoy video. Period," saad ni Pangilinan.

"Mahigit isangdaan na kongresista dati rin mga myembro ng LP noong 2015 na kapartido na ni Duterte ngayon. Walang ibig sabihin kung totoong dati siyang (Jayme) LP," dagdag nito.




***
Rodel Jayme: "Nilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako" Rodel Jayme: "Nilaglag ako sa bagay na wala akong alam, na parang tinraydor ako" Reviewed by Nathan Singson on May 02, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.