Rodel Jayme nag-sorry sa Pangulo at Kitty

Humingi ng sorry si Rodel Jayme kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga miyembro ng First Family dahil sa pag-share ng mga video ng “Ang Totoong Narco List.”
Rodel Jayme / Photo from UNTV

Ayon sa report ng 24 Oras, partikular na humingi ng tawad si Rodel kay Pangulong Duterte at sa bunsong anak na si Veronica o Kitty na nadawit sa mga alegasyon ni alyas Bikoy.

President Duterte at sa buong sambayanan niya, hindi ko pinlano, wala akong idea, walang sapat na kaalaman doon sa pagpapakalat. Humihingi po ako ng patawad sa mga tao lalo na sa pamilya ng Pangulo, lalo na menor-de-edad na anak,” sabi ni Rodel.

Ayon kay Rodel, wala siyang alam kung totoo ang video o gawa-gawa lang ito. Sinabi rin nito na mali ang pagdawit ni Bikoy kay Kitty na 15-anyos lamang.

Para sa akin, mali ‘yun, masakit ‘yun, kasi kumbaga, kung iaano mo sa sarili mo ‘yun, kahit sabihin mo kamag-anak, kung sisiraan is bata, hindi maganda para sa akin kasi nagdawit ka ng isang bata,” sabi ni Rodel.

Kamakailan ay sinabi ni Rodel na handa siyang makipagtulungan sa otoridad upang mahuli ang mga taong nasa likod ni nasabing video.


***
Source: Abante
Rodel Jayme nag-sorry sa Pangulo at Kitty Rodel Jayme nag-sorry sa Pangulo at Kitty Reviewed by Nathan Singson on May 04, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.