READ: Statement ni Bong Go sa paglabas ni Bikoy: "Dapat magpa-admit muna sya sa mental hospital."

Lumabas sa publiko si Peter Joemel Advincula kung saan inamin nitong siya si Bikoy sa kontrobersyal na videong “Ang Totoong Narcolist.”
Former SAP Bong Go / Photo from Philippine Star

Ayon kay Advincula, gusto niyang sampahan ng kaso sina presidential son Paolo Duterte, former SAP Bong Go at Atty. Manases Carpio dahil sila umano ay mga drug lord.

Iginiit din ni Advincula na merong dragon tattoo sa likuran si Bong Go at Paolo Duterte.

Naglabas naman ng statement si Go kaugnay sa muling pagdadawit ni Advincula sa kanyang pangalan.



Basahin ang kanyang buong statement:

“Sinagot ko na yan noon. Sabi ko, meron sa aking likod na PSNBB: pimples, stretchmark, nunal, balat, bilbil.

Alam nyo po, nagkamali si Bikoy ng kanyang pinuntahan. Hindi sya dapat pumunta sa IBP. Huwag kayong mag-alala. Proteksyunan naman kayo ng gobyerno. Pero dapat muna sya, sa tingin ko, dapat magpa-admit muna sya sa mental hospital. Dapat mauna muna syang pumunta doon.
Peter Joemel Advincula / Photo from Rappler

May sinabi sya noon na kapag ipinakita ko ang aking likod, ay titigil na sya. Hinubad ko na at ipinakita ang aking likod. Wala kayong nakitang tattoo. Palagay ko, gusto naman nyang makita ang aking bilbil…Kung gusto nyong makita uli, pwede kong namang ipakita muli. Gusto nyo?

Anyway, meron muna akong idadagdag bago ko ipakita muli. Bikoy, gaya ng ipinangako namin ni Pangulong Duterte, ipagpapatuloy namin ang kampanya laban sa iligal na droga, korapsyon at kriminalidad. At wala pong makapapapipil sa amin. Tuloy tuloy po ang aming kampanya. At masagasaan man ang sinong masagasaan. Iyan ang pangako namin sa mga Pilipino.

Ako po, ipagpapatuloy ko ang mga pagbabagong inumpisahan ni Pangulong Duterte. Anyway, kung naniniwala po kayo kay Bikoy, alam nyo panahon ito ng politika eh. Kukulayan kami. Nadadamay lang ang pamilyang Duterte. Naidamay nila dahil sa mga akusasyon kay Pangulong Duterte. Marumi. Kinukulayan kami ng itim para sila ay pumuti. Black propaganda. Malicious. Panahon ng election. Kanya-kanyang siraan.

So ngayon, hubarin ko ulit ang damit ko. Tingnan nyo ng mabuti. Ito, huling beses ko ng hubarin ito. Maging uto uto na ako kung gagawin ko pa ng pangatlong beses.

Hinahamon ko na lang po ang mga Pilipino. Kung naniniwala po kayo kay Bikoy at sa mga akusasyon nya sa pamilyang Duterte at sa akin, iboto nyo po ang Ocho Diretso, sina Bam Aquino at sila Alejano.

Ngayon, kung naniniwala po kayo sa amin ni Pangulong Duterte, sa mga ipinaglalaban namin, iboto nyo ako. Maraming salamat po.”


***
Source: 
READ: Statement ni Bong Go sa paglabas ni Bikoy: "Dapat magpa-admit muna sya sa mental hospital." READ: Statement ni Bong Go sa paglabas ni Bikoy: "Dapat magpa-admit muna sya sa mental hospital." Reviewed by Nathan Singson on May 06, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.