Pikon na pikon: Trillanes to Duterte: "Hindi ka ibinoto ng tao para manuod ka ng Netflix nang isang linggo"

Tila pikon na pikon na binatikos ni Senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa panonood ng Netflix sa kanyang tahanan sa Davao City.
Senator Antonio Trillanes IV / Photo from Yahoo News

"Bakit hindi siya nagtatrabaho? Hindi ka ibinoto ng tao para manuod ka ng Netflix nang isang linggo. Hindi pwede 'yan, hindi ka ordinaryong tao," ito ang sinabi ni Trillanes sa isang interview niya sa Super Radyo dzBB.

"Lumalabas dito, since wala naman siya sa ospital, ibig sabihin wala siyang sakit, ibig sabihin lang nito tamad siya, kawawa naman yung taumbayan na naso-short change siya dahil parang hari 'yung kanilang ibinoto kasi pawardi-wardi lang," dagdag nito.



Kahapon ay ipinadala ni Pangulong Duterte ang kanyang larawan kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat habang nanonood ng "Django Unchained" sa Netflix.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ayaw na raw niyang patulan si Trillanes dahil hindi na ito nag-iisip tuwing nagsasalita.

"Alam mo 'yang si Trillanes ay hindi ko na pinapatulan ang kabalbalan nyan... Parang hindi na nag-iisip kung magsalita 'yan. As if hindi siya nagpapahinga, as if hindi siya natutulog, as if hindi siya nanonood ng TV," saad nito.

Dagdag ni Panelo, kailangan raw magpahinga ng Pangulo dahil meron itong tatapusing paperwork na pipirmahan pagkatapos bumalik mula sa Belt and Road forum sa Beijing.


***
Pikon na pikon: Trillanes to Duterte: "Hindi ka ibinoto ng tao para manuod ka ng Netflix nang isang linggo" Pikon na pikon: Trillanes to Duterte: "Hindi ka ibinoto ng tao para manuod ka ng Netflix nang isang linggo" Reviewed by Nathan Singson on May 05, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.