Lacson: Paglabas ni Bikoy hindi ibig sabihin may Senate Inquiry agad

Ngayong lumabas na umano si Bikoy, ang taong nasa likod ng kontrobersyal na videong “Ang Totoong Narcolist”, hihintayin ng Senado ang mga ebidensiya na ilalabas niya upang patunayan ang kanyang mga paratang na may kaugnayan sa drug trade ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Senator Ping Lacson / Photo from Philippine Star

Ngunit ayon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, hindi ito garaniya na magkakaroon agad ng Senate hearing.

Si Lacson ang senate chair ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs.

As far as the Senate, we will await his sworn statement and whatever supporting evidence he has, after which we will evaluate and proceed from there. If it merits a Senate inquiry, we definitely will conduct one to hear him and more, if any,” saad ni Lacson.

Ang taong nasa likod ni Bikoy ay si Peter Joemel Advincula na lumabas sa publiko ngayong araw ng Lunes sa Integrated Bar of the Philippines.

Ayon kay Advincula, pumunta raw siya sa IBP upang makakuha ng legal advice.

First, I certainly hope the Integrated Bar of the Philippines will give the same amount of attention and assistance to anybody seeking legal assistance. Otherwise, they might be misunderstood as engaging in political partisanship, which could punch a hole and deflate their credibility,” saad ni Lacson.

By their admission, they haven’t evaluated Bikoy’s accusations, yet they provided him their facility and a forum to air his accusations,” dagdag ni Lacson.


***
Source: Politiko
Lacson: Paglabas ni Bikoy hindi ibig sabihin may Senate Inquiry agad Lacson: Paglabas ni Bikoy hindi ibig sabihin may Senate Inquiry agad Reviewed by Nathan Singson on May 06, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.