Kapal muks: Air-conditioned makeshift tent sa Davao ginawang smoking lounge ni Jinggoy

Ilang grupo ng mga mamamahayag ang nabanas kay dating senador Jinggoy Estrada dahil sa paninigarilyo nito sa loob ng isang air-conditioned makeshift tent.
Jinggoy Estrada / Photo from Tempo

Ayon sa balita, nilabag ni Estada ang smoking ban na ipinapatupad sa lungsod ng Davao noong Huwebes kung saan ginawa nitong smoking lounge ang air-conditioned makeshift tent na nagsisilbing designated press conference room sana ng mga mamamahayag.

Ilang reporter ang nanikip ang dibdib at hindi nakahinga dahil mistulang naging pugon na ang bunganga ni Estrada dahil sa kanyang sunod-sunod na pagsindi at paghithit-buga ng sigarilyo.

Dahil dito ay binoykot ng ibang mamamahayag na galing sa Maynila ang press briefing na inihahanda sana ng grupo ni Estrada.

Nagmistulang gas chamber ang loob ng tent dahil sa tapang at umaalingasaw na amoy nito.

"Alam ko bawal sa labas eh," sagot ni Jinggoy ng tanungin ng isang reporter kung bakit sa loob ng tent ito naninigarilyo.

Ayon sa mga lokal na mamamahayag na nakakita na nasa loob ng ng makeshift tent, labag umano sa City Ordinance No. 367-2012 ang ginawa ni Estrada dahil hindi ito kabilang sa designated smoking area lalo pa’t naka-aircon ang nasabing lugar.

Puwedeng magmulta ng hanggang P5,000 o makulong ng hanggang apat na buwan si Estrada kung sakaling mapapatunayan na lumabag sa nasabing ordinansa.

"He should know better. It's an airconditioned holding area and smoking is banned here," sabi ng isang senior member ng MalacaƱang media staff.

Si Estrada na kasalukuyang nahaharap sa mga kasong pandarambong at katiwalian ay kabilang sa 13-man Senate slate na ineendorso ng HNP na pimanmumunuan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Wala pang pahayag ang Pamahalaan Lungsod ng Davao ginawang paglabag ni Estrada sa nasabing ordinansa.


***
Source: Abante
Kapal muks: Air-conditioned makeshift tent sa Davao ginawang smoking lounge ni Jinggoy Kapal muks: Air-conditioned makeshift tent sa Davao ginawang smoking lounge ni Jinggoy Reviewed by Nathan Singson on May 11, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.