Ilang Otso Diretso candidates, kinuwestyon ang hindi pag-endorso sa kanila ng El Shaddai

Kinuwestyon ng ilang miyembro ng opposition slate Otso Diretso ang Catholic charismatic group El Shaddai dahil hindi sila na-endorso sa pagka-senador.
Otso Diretso / Photo from Rappler

Tanging si reelectionist Sen. Bam Aquino lamang ang naendorso ng El Shaddai. Ang majority sa napili ng grupo ay mula sa Hungpong ng Pagbabago (HNP).

"Ano ba talaga ibig sabihin ng honesty sa kanila? Anong ibig sabihin ng katotohanan sa kanila?" Tanong ni Erin Tañada.

"Dahil kung hindi maipaliwanag yan, baka mawalan din sila ng supporters,” dagdag nito.

Ayon naman kay Samira Gutoc, dapat raw ay i-consider sila (Otso Diretso) ng El Shaddai.

Pasensya na po El Shaddai, I appeal that you, consider us Otso Diretso. Kami po ay voice of the conscience," sabi Gutoc.

Para naman kina Romy Macalintal at Chel Diokno, umaasa sila na magkakaroon ng one Catholic vote.

Maniniwala ako lalabas ang one Catholic vote. 'Di papayagan ng mga katoliko na bastusin ng Panginoon, ang pananampalataya at ang ating kaparian,” saad ni Macalintal.

Boto ng mga katoliko at kabataan, yan inaasahan namin,” dagdag ni Diokno.


***
Source: ABS-CBN News
Ilang Otso Diretso candidates, kinuwestyon ang hindi pag-endorso sa kanila ng El Shaddai Ilang Otso Diretso candidates, kinuwestyon ang hindi pag-endorso sa kanila ng El Shaddai Reviewed by Nathan Singson on May 05, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.