Tiglao: Otso Diretso nag-aaway na dahil sa "Bikoy" video

Sa isang Facebook post, sinabi ng beteranong kolumnista na si Rigoberto “Bobi” Tiglao na nag-aaway away na umano ang mga kandidato ng Liberal Party na Otso Diretso dahil sa pagkakabisto na merong kinalaman ang ilan sa kanila patungkol sa video ng “Bikoy.”
Photo credit to the owner

Ayon kay Tiglao, unang na-upload ang “Bikoy” video sa Youtube gamit ang website na www.metrobalita.net kung saan may lumalabas na advertisement sa kampanya ng pagkasenador ni Attorney Romulo Macalintal.

Ayon pa kay Tiglao, minura raw ni Atty. Florin Hilbay sina Macalintal, Chel Diokno at Gary Alejano dahil sa kanilang ginawa.

Basahin ang buong post ni Tiglao:

"Nag-aaway na raw the Otso Inidoro este Diretso guys nagsisisihan sino ang gumawa ng Metro Balita site proven to be the source of the Bikoy blunder. Minura daw ni Hilbay si Macalintal, Diokno at Alejano for the stupid plot."

Samantala, sinimulan na ng Department of Justice ang paghahanap sa utak ng  “Totoong Narco List” videos kung saan  sinasangkot ang pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drugs trade.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Gue­varra, inatasan na niya ang fact-finding investigation na alamin at tu­kuyin ang may gawa ng  video upang masam­pahan ng kaso.


***
Tiglao: Otso Diretso nag-aaway na dahil sa "Bikoy" video Tiglao: Otso Diretso nag-aaway na dahil sa "Bikoy" video Reviewed by Nathan Singson on April 24, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.