Migo Adecer kakasuhan dahil sa pekeng driver’s license

Sasampahan umano ng kaso ngayon ng Makati Police ng kasong falsification of public documents ang aktor na si Migo Adecer dahil sa pagpresinta ng aktor ng pekeng lisensiya sa pagmamaneho.
Migo Adecer / Photo from ABS-CBN

Ito ay matapos siyang magbigay ng pekeng lisensiya sa kinasangkutan niyang aksidente noong nakaraang linggo.

Sa isinagawang case conference ng mga awtoridad, kinumpirma umano ng Land Transportation Office na peke ang isa sa dalawang lisensiya na ipinakita ni Adecer.

Ang falsification umano ay seryosong krimen na may kaakibat na parusa na hindi bababa sa anim na taon na pagkakakulong.

Nadiskubre rin na may dalawang record na ng paglabag sa batas trapiko si Adecer.


***
Source: Abante
Migo Adecer kakasuhan dahil sa pekeng driver’s license Migo Adecer kakasuhan dahil sa pekeng driver’s license Reviewed by Nathan Singson on April 02, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.