Manicad: Hindi fake news ang palpak na pag responde ni Roxas sa mga biktima ng Yolanda

Ipinahayag ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) senatorial bet Jiggy Manicad na hindi masasabing “fake news” ang ginawang kapalpakan ni Mar Roxas noong siya ang nanunungkulang Interior Secretary sa pag responde sa mga biktima ng super typhoon Yolanda noong 2013.
Jiggy Manicad and Mar Roxas / Composite photos from Interaksyon and Rappler

Kamakailan ay itinanggi ni Roxas ang mga kumakalat sa social media na nilusta’y umano niya ang bilyon-bilyong pondo para dapat sa mga biktima ng nasabing bagyo.

Bagama’t maaring hindi totoo ang akusasyon laban sa dating kalihim kaugnay sa Yolanda funds, hindi naman umano maikakaila ang sablay na pagmamando ni Roxas sa mga awtoridad matapos salantain ng Yolanda ang Eastern Visayas Region.



Ayon kay Manicad, hindi dapat kalimutan ng publiko ang pagpapabaya at pagkukulang ng dating administrasyon sa nangyaring krisis.

With respect to former Sec. Mar, ‘yun naman ay hindi fake news (yung kapalpakan niya). Tanungin niyo na lang po ‘yung mga taga-Leyte,” giit ni Manicad.

Kasama kami ng mga taga-Leyte nung rumagasa ang bagyong Yolanda. We thought we were going to die. We were the first and only network to go live then. To the horror of the victims in the hours, days following the typhoon, wala pa ring tulong. Konti pa lang ang rumeresponde,” dagdag pa ng batikang mamamahayag.

Ayon kay Manicad, klarong klaro ang kakulangan ng koordinasyon ng dating administrasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pamumuno ni Roxas na siyang inatasang maging overall ground commander Lungsod ng Tacloban na sentro ng hagupit ni Yolanda.

One could clearly point out the lack of structure and coordination. It took days sometimes just for bodies to be picked up, for some areas to receive water. Nagnanakawan, nagkakasakitan na ang mga tao,” ani Manicad.


***
Source: Abante
Manicad: Hindi fake news ang palpak na pag responde ni Roxas sa mga biktima ng Yolanda Manicad: Hindi fake news ang palpak na pag responde ni Roxas sa mga biktima ng Yolanda Reviewed by Nathan Singson on April 01, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.