Limang paraan na dapat gawin kung nag-withdraw sa ATM at walang lumabas na pera pero nakaltasan ang account mo

Photo credit to the owner

Nangyari na ba sa iyo na nag-withdraw ka ng pera sa ATM pero walang lumabas na pera ngunit nabawasan ang account mo? Alamin ang mga payo ng Bangko Sentral ng Pilipinas kapag naranasan ang ganitong insidente.

Una, Isulat ang petsa, oras, ATM location at iba pang impormasyon tungkol sa naging transaksiyon.

Pangalawa, itago ang resibo o kuhanan ng larawan o ipa-photocopy dahil mayroon mga resibo na madaling mabura ang mga nakasulat.

Pangatlo, kaagad ipagbigay-alam sa mga kinauukulan ang nangyari. tumawag sa inyong bangko at sabihin ang detalye ng insidente.

Pang-apat, magsampa ng pormal na reklamo. Kung sakaling hindi kaagad natugunan ang insidente o hindi naibalik ang pera, magpadala ng sulat-reklamo sa bangko, kasama ang mga mahahalagang dokumento katulad ng resibo.

Pang-lima, iulat sa BSP. Kung hindi aaksyunan ng bangko ang reklamo, ipagbigay-alam ito sa BSP. Isama ang mga detalye at kopya ng mga dokumento.


***
Source: GMA News Online
Limang paraan na dapat gawin kung nag-withdraw sa ATM at walang lumabas na pera pero nakaltasan ang account mo Limang paraan na dapat gawin kung nag-withdraw sa ATM at walang lumabas na pera pero nakaltasan ang account mo Reviewed by Nathan Singson on April 27, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.