Jim Paredes speaks up on his alleged video scandal: Fake news

Naging trending sa Twitter ang usapang video scandal umano ng singer at dating miyembro ng Apo Hiking Society na si Jim Paredes, 67.
Jim Paredes / Photo credit to the owner

Ang scandal na kumalat sa internet noong March 31 ay ang video diumano ni Jim na nag-mamusturbate habang may kausap.

Kamukhang kamukha raw ni Jim ang lalaking nasa video.

Ang video ay tumagal ng limang minuto. Ayon sa mga nakapanood, sa una ay inilabas lamang ng lalaki ang kanyang dila hanggang kalaunan ay pinaglaruan na nito ang kanyang ari.

May ka-video chat diumano ang lalaki sa video na sa isang punto ay sinenyasan pa niyang huwag daw itong masyadong maingay. 



May mga nagsilabasan na ring screenshots ng nasabing video kung saan makikita ang lalaking kamukha ni Jim.

Obserbasyon ng ilang nakapanood, magkapareho raw ang tattoo ng lalaki sa video at sa tattoo sa kanang braso ni Jim.

Mapapansin ding parehong may nunal sa may bandang dibdib ang lalaki sa video at ng veteran singer.


May nagsasabi namang baka napaglaruan lamang si Jim dahil April Fools' Day ngayong April 1. 

May ilang netizens na diretsong tinanong si Jim tungkol sa nasabing video.

Ngunit mariing sagot ni Jim: "Fake."


***
Source: PEP
Jim Paredes speaks up on his alleged video scandal: Fake news Jim Paredes speaks up on his alleged video scandal: Fake news Reviewed by Nathan Singson on April 01, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.