Agot Isidro dinepensahan si Regine at binanatan si Ben Tulfo

Dinepensahan ng aktress na si Agot Isidro si Asias songbird Regine Velasquez laban kay Ben Tulfo matapos nitong insultuhin ang singer dahil sa isang tweet patungkol sa West Philippine Sea.
Agot Isidro / Photo from PEP

Sa isang tweet, itinanong ni Agot kay Tulfo kung ano nang nangyari sa P60 milyong natanggap ng kompanya nito bilang kabayaran mula sa Department of Tourism (DOT) noong panahong ang kapatid pa nitong si Wanda Tulfo Teo ang Tourism Secretary.

Isa pa itong walang kwentang hanash. Matanong lang. Nasaan na po ang 60M???” saad ni Isidro sa tweet.

Kamakailan ay binanatan ni Regine si Department of Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. sa kanyang statement tungkol sa mga Chinese na nangunguha ng giant clams.

Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!” saad ni Regine sa kanyang tweet.

Sa isang Facebook live, sinabihan ni Tulfo si Regine mag-focus na lang umano siya sa kanyang career at huwag makialam sa mga isyung wala siyang kaalam-alam.

"Ang mensahe ko sa ‘yo, Regine Velasquez, next time you open your mouth, think. Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo ‘yung isyu and you can talk about it."

“Hindi mo ito balwarte. ‘Yung kaalaman mo, itago mo na lang. Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa The Songbird of Asia. Hehehe. C’mon, be real. Ang pagkanta-kanta mong ‘yan, hindi uubra sa sinasabing eto ‘yung mga issues na delicate."

“Kung ako sa Bitag, nagsasalita sa isyu, I try to stay away from that until mababalanse ko. If you pick on somebody like Teddy Locsin, come on, lalamunin ka niyan. He’s gonna chew you up, spit you out.”

“Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang? Kung hindi man, career na medyo dwindling down and so, speaking up like may alam pagdating sa mga foreign relations or foreign affairs.

So, ‘yung statement nitong si Regine Velasquez, for me, is something na nakisawsaw, nakiangkas sa isyu na wala naman talagang alam,” dagdag pa niya.


***
Source: Abante, Inquirer
Agot Isidro dinepensahan si Regine at binanatan si Ben Tulfo Agot Isidro dinepensahan si Regine at binanatan si Ben Tulfo Reviewed by Nathan Singson on April 25, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.