Agot Isidro at Pilo Hilbay sumagot sa akusasyon ng Pangulo na bakla ito

Sumagot ang magkasintahang sina Agot Isidro at boyfriend nitong si Florin Hilbay matapos akusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “bakla” umano ang boyfriend ng aktress.
Agot Isidro, Florin Hilbay and President Rodrigo Duterte / Photo credit to the owner

Sa speech ng Pangulo sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban, sa Cagayan, nitong Martes, April 16, sinabi nitong bakla si Hilbay.

"Florin Hilbay is a lawyer. But he’s gay. His girlfriend is Igot Isidro. They’re always together. Agot rather, not Igot," sabi ng Pangulo sa kanyang speech.

Nilinaw ng pangulo na wala siyang isyu sa mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer or questioning, intersex, and asexual or allied) community.

Pero tinawag niyang "bully" ang magkasintahan dahil sa pagiging kritiko umano ng mga ito sa pangulo. 

"I don’t have a problem with gays, but this particular gay is a bully," sabi ni President Duterte. 

Dagdag niya, "They always criticize me, Hilbay and Agot, until they ended up being couple."

Sumagot naman ang magkasintahan sa akusasyon ng pangulo. 

"Straight po sya. Straight din ako. Straight kami. At issue ba talaga ang gender? #LGBTQIA supporter ako, naniniwala na ang gender ay walang kinalaman sa integridad ng isang tao. Pero ang pagmumura at pagpatay, we’ll that’s a different story,” sabi ni Agot sa kanyang Twitter.

"President Duterte accused me of being gay, and of using @agot_isidro as beard. Hindi ako na-inform na sumasideline pala siyang chismoso sa kanto. Daming free time, ser?," tweet ng senatorial candidate.


***
Source: PEP
Agot Isidro at Pilo Hilbay sumagot sa akusasyon ng Pangulo na bakla ito Agot Isidro at Pilo Hilbay sumagot sa akusasyon ng Pangulo na bakla ito Reviewed by Nathan Singson on April 17, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.