Witness sa pagpatay at pagbalat sa mukha ng Grade-9 student, lumutang!

Isang witness ang lumabas pagkatapos kumalat sa social media ang karumal-dumal na pagpatay sa isang grade 9 student, 16-anyos na dalaga sa Lapu-Lapu City sa Cebu.
Photo credit to the owner

Ayon kay  Senior Superintendent Lemuel Obon, sinabi ng witness na tatlong lalaki ang pumaslang sa biktima na si Christine Lee Silawan sa isang bakanteng lote sa Barangay Bangkal sa Lapu-Lapu City. 

Ang isa umano sa mga ito ang may hawak sa biktima habang ang isa naman ang sumaksak dito. Ang ikatlong suspek naman ang siyang nagbalat sa mukha ng kawawang dalaga. 

Ayon sa report ng Cebu Daily News, dagdag pa ni Obon ay panggagahasa ang posibleng motibo sa krimen. Ngunit walang sinuman ang nakarinig sa sigaw ng biktima ayon pa kay Obon. 

Samantala, sa CCTV na nakuha mula sa Sacred Heart Parish Church sa Barangay Pajac kung saan huling pumunta ang biktima, nakita itong kumakain ng balut kasama ang isang kasamahan bago ito nawala. 

Sabi naman ng sekretarya ng simbahan na si Rosana Rondina, huli nilang nakita ang dalaga kasama ang isang altar boy pauwi. Ayon sa altar boy, pauwi na raw sila nang magpunta muna siya sa CR at sinabihan pa raw ang dalaga na maghintay sa labas ng simbahan. Pagbalik umano nito ay wala na ang dalaga. 

Inisip naman ng altar boy na umuwi nang mag-isa ang dalaga ayon kay Rondina.


***
Source: KAMI
Witness sa pagpatay at pagbalat sa mukha ng Grade-9 student, lumutang! Witness sa pagpatay at pagbalat sa mukha ng Grade-9 student, lumutang! Reviewed by Nathan Singson on March 11, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.