WATCH: Suspek sa Pasig hit-and-run incident sumuko na

Sumuko na ang driver ng kotseng nag hit-and-run sa Pasig City kamakailan kung saan sinadyang banggain ang motorsiklong sinasakyan ng magkalive-in partner na sina Mark Joseph Belen at Rossana Ugto.
Wearing black is Adrian Russel King Carlos / Photo from GMA News Online

Ayon sa report ni Isa Avendaño-Umali ng Super Radyo dzBB, ang driver ng kotse at kinilalang si Adrian Russel King Carlos, 29 taong gulang.

Kusang pumunta sa Pasig City Police Headquarters si Adrian.

Ayon kay Adrian, sumuko raw siya dahil gusto niyang mabigyan ng hustisya ang mga nangyari sa kanyang nabiktima at ilang araw din umano niyang pinag isipan kung siya nga ba talaga ang nasa viral video.

"Again, I'm very very sorry," sabi ni Adrian.


Sasagutin umano ni Adrian and hospital fees at funeral ni Rossana.

Mahaharap naman sa mga kaso si Adrian ayon kay Pasig City Police Chief Rizalito Gapas.

Nang tanungin kung lasing ba o nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot si Adrian ay sinabi nitong nasa matinong pag-iisip naman siya.

Sinabi rin nitong hindi niya napansin na nabangga nito sina Rossana at Mark nang mag overtake ito.

Hindi naman naniniwala si Mark sa paliwanag ni Adrian dahil imposibleng hindi sila napansin nito.




***
WATCH: Suspek sa Pasig hit-and-run incident sumuko na WATCH: Suspek sa Pasig hit-and-run incident sumuko na Reviewed by Nathan Singson on March 30, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.