P50 to P550: Tricycle driver na nanloko ng pasahero , pinaghahanap na

Nagviral kamakailan sa social media ang isang tricycle driver na naningil umano ng sobra sobra sa kanyang pasahero.
Screencap from Kristopher Magpantay's Facebook video

Ayon sa ABS-CBN, pinaghahanap na umano ang driver sa video sa Maynila at Pasay City.

Sa Facebook post ni Kristopher Magpantay noong hapon ng Linggo, pilit silang sinisingil ng driver ng P500 matapos magpahatid malapit sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City galing Vito Cruz sa Maynila.



Ayon sa report ng ABS-CBN, nagpunta sila sa Vito Cuz upang tanungin ang mga tricycle driver doon, ngunit hindi raw nila kilala ang lalaking nasa video.

"Hindi talaga siya ano rito, member sa mga kasama namin na namamasada," anang tricycle driver na si Jordan Moreno.

Ayon naman kay Ace Sevilla, supervisor ng Pasay City Tricycle-Pedicab Franchising and Regulatory Office, bukod sa walang biyahe sa ginawang ruta ng driver, kolorum din ang tricycle na ginamit.

Iniimbestigahan na rin kung tagasaan talaga ang driver, ani Sevilla.

Nanawagan naman si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major General Guillermo Eleazar sa publiko na agad i-report sa kanila ang mga kaparehong insidente para maaksiyunan.

"Maliwanag na isang modus 'yan ng driver na 'yan at naniniwala din tayo na maaaring ginagawa ng iba 'yan so dapat lamang talaga na mag-report sila sa atin sa pulis," ani Eleazar.

Narito naman ang buong post ni Magpantay:

"Yung from Vito Cruz to seaside MOA 550.00 yung tricycle?

Nakakasira ng araw. Bago kami sumakay sabi nya 50.00 lang daw. Sana maging masaya ka sa gawain mo. Makakakita ka din ng katapat mo. Hanggan kelan mo masisikmura na ang pinapakain mo sa pamilya mo ay galing sa panloloko?

Ang hirap talaga ng di mo alam ang sasakyan mo. May mga tao ka kasing matatagpuan na manlalamang sayo. Lesson learned for today.



Pasalamat ka mabait partner ko kung ibang tao yun nasapak ka na.

Never again.

---- Edited added story of what happened ----

Last time kasi sa Vito Cruz LRT kami bumaba para pumunta sa Star City kaya dun din kami tumungo. Hinahanap namin yung jeep na parang kulay orange yata yun as I remember. Wala kaming mahanap na jeep going to MOA tapos si kuya na nakapila inalok kami ng tricycle. Sabi nya 50 daw. Tinanong ko ng dalawang beses to make it clear. Tapos may inabot na something yung asawa nya patago bago kami sumakay. Pag baba namin dun kami binaba sa may area kung saan sasakyan lang dumadaan tapos nung inabot ko na ung 50 tumatawa siya tapos sabi bat 50 lang daw 550 daw un daw talaga rates ng tricycle nila. Nag walked out ako nun tapos naiwan partner ko. Nung bumalik na ako I took a video na and gave him 500 na masama pa sa loob niya at kulang ng 50. Tas hinila ko na partner ko para madali kaming makaalis baka ano pa mangyari kasi naalala ko ung inabot ng asawa nya na nilagay sa tool box.

Natakot na kami at nagmamadali. Nawala na din sa isip namin magreklamo. Ngayon kasi I feel like not all people have the courage to file a report or provide statements to the police kasi di naman namin alam yung mga police station sa area na un and the only way to reach them out is to go there. I can't find any traffic enforcer also nearby to ask.

- Bago kami sumakay duda na ako. Pinatanong ko sa partner ko para sure. Sabi niya "Fifty" pag baba namin "Five-Fifty"




***
P50 to P550: Tricycle driver na nanloko ng pasahero , pinaghahanap na P50 to P550: Tricycle driver na nanloko ng pasahero , pinaghahanap na Reviewed by Nathan Singson on March 01, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.