NAHULI NA; Tricycle driver na naningil ng P550

Nahuli na sa Pasay City ang tricycle driver na nagviral ang video sa Facebook noong nakaraang araw dahil sa paniningil umano ng sobra-sobrang pamasahe sa kanyang pasahero.
 Jess Addongay / Photo from ABS-CBN

Sa Facebook video ni Kristopher Magpantay, mapapanood ang pagtatalo nila ng tricycle driver matapos siyang singilin ng P550 galing Vito Cruz sa Maynila papuntang malapit sa Mall of Asia (MOA).

Ang tricycle driver ay kinilalang si Jess Addongay, na aminado sa kaniyang ginawa. Pero giit niya na nagawa lang niya umano iyon para makabili ng gamot at gatas para sa kaniyang sanggol na anak. 

Si Addongay ay isang pedicab driver, ngunit nanghiram siya ng traysikel dahil matumal ang kaniyang kita noon. 

Noong araw na 'yun, sir, mahina po ang biyahe ng pedicab, humiram ako sa kaibigan ko para pambili ng gatas atsaka may sakit po ang anak ko, sir. Pambili ng para sa sipon at lagnat,” ani Addongay. 

Humingi na rin ng patawad si Addongay sa kaniyang ginawa. 

Samantala, nagpasya si Magpantay na huwag nang magsampa ng pormal na reklamo at binalaan na lang ng mga awtoridad si Addongay.




***
Source: ABS-CBN News
NAHULI NA; Tricycle driver na naningil ng P550 NAHULI NA; Tricycle driver na naningil ng P550 Reviewed by Nathan Singson on March 02, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.