Comedian Chokoleit pumanaw na

Pumanaw na ang comedian na si Jonathan Aguilar Garcia, 46, o mas kilala sa kanyang screen name na Chokoleit.
Chokoleit / Photo from PEP

Ayon sa Star magic, Si Garcia ay namatay pagkatapos ng kanyang performance sa Abra noong Sabado.

Sa isang Facebook post ng actor at singer na si Carl Guevarra na isa sa mga kasama ni Chokoleit sa Abra, kinumpirma nito ang pagpanaw ng komedyante.

“Unbelievable. Chokoleit performed right after our set and we witnessed how he struggled through the entire performance. The ambulance rushed him to the hospital in Vigan but now we were informed he didnt make it and passed away. We are all in shock. Prayers to all his loved ones. RIP”



Nagpost din si Guevarra ng video ni Chokoleit habang nagpeperforme kung saan makikitang tila hirap itong huminga.



Si Chokoleit ay nakilala sa kanyang role bilang Pearly Shell sa ABS-CBN series na “Marina.”

Si Chokoleit ay ipinanganak noong June 25, 1972 sa Davao City at nag-aral ng mass communications sa Ateneo de Davao University.

Comedian Chokoleit pumanaw na Comedian Chokoleit pumanaw na Reviewed by Nathan Singson on March 10, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.