Taxi driver personal na ibinalik ang naiwang pera ng pasahero, umani ng maraming magandang reaksyon

Viral sa social media ang isang taxi driver na isinauli sa kanyang pasahero ang napulot na pera.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Mark Noel Cabildo, inihatid pa umano ng driver na si Bong Gabriel ang perang napulot niya gamit ang taxi na may plate number na UWC-540 Mariella Joy na sinakyan mismo ng pinsan ni Cabildo.
Photo from Facebook

Salaysay ni Cabildo, halos mawalan ito ng pag-asa nang hindi na makita ng pinsan niya ang pera na nagkakahalaga ng P5,000 na siyang gagamitin nito pag-uwi sa probinsiya.

Hindi naman maipaliwanag ng babae kung paano nawala ang pera pagkat ito’y pipi.

Laking gulat na lamang umano nila nang bandang ika-1:30 ng madaling araw ay kumatok ang driver sa tahanan nina Cabildo at personal na isinauli ang pera.

Salaysay ng driver, nahulog sa kanyang sasakyan ang pera at hindi naman ito nagdalawang-isip na isauli ang pera.
Photo from Facebook

Pagod at puyat si manong driver ngunit hindi niya ito alintana makagawa lamang ng mabuti sa kapwa.

Basahin ang buong post sa ibaba:

"Kagabi dumating ung pinsan ko n babae sumakay sya ng taxi... Nung nandun n a sya s bahay nagtaka sya ksi nawawala ung pera nya na 5k ... Hndi na alam kung bat nawala dahil nabulsa lng nman nya e2 sa nya samin, ung pinsan ko po hndi po sya nakkapag salita pipi po senyas lang po ng kamay.... Umiiyak po sya dahil gagamitin nya po ung pera para umuwi ng probinsya kaya naghanap po kami baka nahulog sa labas or kung saan.. Pero wla kami nakita,, hanggang sa nawalan n kami ng pag asa hndi n makikita ung pera... Pero laking gulat po nmin nang may tao sa labas ng bahay nmin nagising po kaming lahat 1:30am kaninang madaling araw.. Yung tao n nasa labas ay yun ung taxi driver na sinakyan ng pinsan ko... Hndi na namin inashan na mababalik pera ng pinsan ko... Salamat kay manong taxi driver ibinalik nya ung pera na nahulog pla sa taxi nya... Mula makati bumalik sya ng pasig at hinanap ung bahay namin khit n pagod na pagod n si manong at puyat... Maraming salamat po s inyo... Mabuhay ka Bong Gabriel... plate number ng taxi nya ( UWC-540 Mariella joy taxi)"



Narito ang iba't ibang reaksyon ng mga netizen.





***
Taxi driver personal na ibinalik ang naiwang pera ng pasahero, umani ng maraming magandang reaksyon Taxi driver personal na ibinalik ang naiwang pera ng pasahero, umani ng maraming magandang reaksyon Reviewed by Nathan Singson on February 12, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.