Robin Padilla nag-react sa pahayag ni Diokno na ‘no smoking’ lang daw ang nagawang mabuti ni Duterte

Mas marami umanong nagawa at accomplishments si Pangulong Rodrigo Duterte, katulad ng nationwide ‘no smoking’ policy kumpara sa mga nagdaang Presidente, ayon kay Robin Padilla. 
Robin Padilla and Chel Diokno / Composite photos from Esquire Philippines and Facebook

Sa isang Facebook post, inilabas ni Robin ang kanyang opinyon sa naging komento noong nakaraang debate ni senatorial candidate Chel Diokno ng Otso Diretso na tanging “no smoking” lamang raw ang nagawang mabuti ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Robin, hindi umano naipasa ni dating Benigno “Noynoy” Aquino III ang ‘no smoking’ dahil isa rin itong heavy smoker.

Para kay Robin, para umanong ‘nanggagago’ si Diokno na tumatawa-tawa dahil hindi nito maisip na “napakalaking hakbang para sa gustong magbago ang disiplina sa sarili.”

Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:

"Sa tatlong taon na nakaupo si Mayor Mas marami pong nagawa si Pangulong Duterte kumpara sa lahat ng naupo na Presidente. Pati nga po yun BBL o BOL na sa panahon ni Pnoy na kanyang inupuan lamang ay si Pangulong Duterte ang nagtapos. Pambihira itong candidate na ito yun lang ang naalala hahahahaha sabagay ok na rin yun kasi ang "no smoking" naging magandang halimbawa sa mga Pilipino! Nagbukas ang kanilang mga isip Mahirap na kasi tayo wala ng dahilan para nag yoyosi pa at magbisyo kasi kapag nagkasakit na cancer nagiging problema at gastos pa ng pamilya at ng gobyerno. Panoorin niyo natatawa pa itong kandidato na parang nanggagago pero sa realidad napakalaking hakbang para sa gustong magbago ang disiplina sa sarili na sa palagay ko ay hindi nagawa ni Pangulong Noy dahil sa lakas niya manigarilyo."



***
Robin Padilla nag-react sa pahayag ni Diokno na ‘no smoking’ lang daw ang nagawang mabuti ni Duterte Robin Padilla nag-react sa pahayag ni Diokno na ‘no smoking’ lang daw ang nagawang mabuti ni Duterte Reviewed by Nathan Singson on February 25, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.