Pulis, Sundalo, Coast Guard may 20 percent discount na sa lahat ng public buses

Photo from Tabloid Network News

Simula sa Lunes, Pebrero 11, makakakuha na ng 20-percent discount sa lahat ng public utility buses ang mga uniformed personnel, ayon sa Department of Transportation. 

Qualified ang mga personnel mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Philippine Coast Guard (PCG) na aktibo sa kanilang duty.

In line with the President’s directive, this is our way of giving back to our soldiers, policemen and Coast Guard servicemen who secure our nation and protect the Filipino people," saad ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Ayon sa DOTr, ang mga nasabing personnel ay kailangan lamang ipakita ang kanilang Valid ID na patunay na sila ay nasa active service upang makuha ang discount.


***
Source: ABS-CBN
Pulis, Sundalo, Coast Guard may 20 percent discount na sa lahat ng public buses Pulis, Sundalo, Coast Guard may 20 percent discount na sa lahat ng public buses Reviewed by Nathan Singson on February 11, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.