Dating Ateneo student lider na ng NPA

Isang mataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines ang nagbunyag na isang dating estudyante ng Ateneo de Davao ang isa sa mga lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Northeastern Mindanao.
Alvin Luque / Photo credit to the owner

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Chief Major Gen. Felimon Santos Jr., patuloy ang recruitment ng NPA sa sektor ng mga estudyante.

Dagdag ng heneral, ang dating estudyante ng Ateneo de Davao na si Alvin Luque na may ilang taon nang nawawala ay natuklasang na-recruit ng NPA at isa na sa mga lider ng NPA sa Northeastern Mindanao.



Sinabi rin ni Santos na ilan pa sa mga estudyanteng nalinlang ng NPA ay sina Ryan Edpan Cagula, estud­yante ng UP Mindanao na sumapi sa NPA at napatay sa engkuwentro sa Maasim, Sarangani noong Nobyembre 4, 2014.

Ang isa pa na si Prince Wendel Olorfenes na responsable sa pag-atake sa himpilan ng Mati Police noong Pebrero 14, 2015 ay isa ring estudyante ng University of Mindanao nang ma-recruit ng te­roristang grupo.

Kasabay nito, na­nawagan naman si Santos sa mga magulang at mga opisyal ng mga kolehiyo at unibersidad ng mga kabataang estudyante na banta­yang mabuti ang mga ito “upang hindi malinlang ng komunistang grupo.”


***
Dating Ateneo student lider na ng NPA Dating Ateneo student lider na ng NPA Reviewed by Nathan Singson on February 20, 2019 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.